Cebu City Mayor umapela sa pagkakasailalim ng lungsod sa MECQ
Umapela si Cebu City Mayor Edgar Labella sa Regional Inter-Agency Task Force matapos na maisailalim ang lungsod sa modified enhanced community quarantine o MECQ.
Base sa rekomendasyon ng IATF na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte simula sa June 1, 2020 tanging ang Cebu City na lamang ang sasailalim sa MECQ habang sa iba pang mga lugar sa bansa ay iiral na lamang ang general community quarantine o modified general community quarantine.
Sa kaniyang liham sa Regional IATF, umapela si Labella na mailagay din sa GCQ ang Cebu City simula June 1.
Ani Labella, handa na ang lungsod sa GCQ dahil nakumpleto na nito ang kanilang community testing.
Bagaman as of May 27 ay nasa 2,013 ang kaso ng COVID-19 sa lungsod, sinabi ni Labella na nananatili sa 25 ang bilang ng nasawi sa kanilang lugar o 1.2 percent na fatality rate lamang.
Habang ang kanilang recovery rate ay nasa 19.6 percent.
Kahapon sinabi ni Labella na mayroon silang naitalang 172 na recoveries sa Cebu City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.