Pangulong Duterte umapela sa private schools na pumayag na gawing hulugan ang pagbabayad sa tuition fee

By Dona Dominguez-Cargullo May 29, 2020 - 05:28 AM

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pribadong paaralan na gawing hulugan ang paniningil ng tuition fee ngayong may pandemic ng COVID-19.

Sa kaniyang public address, nanawagan ang pangulo sa mga private school na magpatupad ng staggered payments o installment sa tuition fee.

Ito ay dahil maraming magulang ang nahinto o nawalan ng trabaho bunsod ng problema sa COVID-19.

Sinabi rin ng pangulo na para sa mga magulang na talagang walang pang-enroll sa kanilang anak ay pwedeng humiram ng pera sa Land Bank.

Magbubukas aniya ng sistema ang Land Bank kung saan maaring makapag-loan ang mga magulang upang mai-enroll ang mga anak.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, president duterte, private schools, Radyo Inquirer, staggered payments, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, tuition fee, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, president duterte, private schools, Radyo Inquirer, staggered payments, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, tuition fee

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.