China mauunang makagawa ng bakuna kontra COVID-19 ayon kay Pangulong Duterte

Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na makalilikha na ng bakuna kontra COVID-19 ang China sa lalong madaling panahon.

Sinabi ni Duterte na maaaring ang China ang maunang makapaglabas ng bakuna at posibleng sa Setyembre ay available na ito.

Una nang sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na puspusan ang paglikha ng bakuna ng SinoPharm – ang pinakamalaking pharmaceutical company sa China.

Nasa second phase na ng trial ang kumpanya sa bakuna.

Inimbitahan din ng kumpanya ang Pilipinas na lumahok sa clinical trials para sa COVID-19 vaccine.

 

 

Read more...