Misis patay sa truck sa Antipolo City, mister binaril ang pahinante bago nagbaril sa sarili

crime-sceneMalagim ang kinahinatnan ng aksidente sa kalsada na naganap sa Antipolo Rizal.

Nahati ang katawan ng isang ginang matapos magulungan ng 10-wheeler truck sa Antipolo City sa Rizal kagabi.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Antipolo Police, sakay ng motorsiklo, binabaybay ng mag-asawang Merelyn Asoy at asawa niyang pulis na si SPO2 Delbert Asoy ang zigzag road sa Lower Antipolo, Rizal nang mahagip ng nakasabayang truck.

Nagulungan ng truck si Merelyn dahilan para ito ay masawi.

Nakaligtas naman sa insidente si PO2 Asoy na miyembro ng Special Action Force ng PNP, pero dahil sa tindi ng galit nito sa sinapit ng asawa, binaril niya sa ulo ang pahinante ng truck na si Nico Castillo.

Kritikal ang kundisyon ngayon ni Castillo sa Amang Rodriguez Hospital.

Nang rumesponde ang mga otoridad, nakita nilang wala na ring buhay sa pinangyarihan ng insidente si PO2 Asoy na hinihinala namang nagbaril sa sarili matapos niyang barilin si Castillo.

Nasa kustodiya naman ng traffic sector ng Antipolo Police ang driver ng truck na nakilalang si Luisito Galang.

Read more...