Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (10PM, Huwebes, May 28) , nasa 268 na ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kung saan 5 ang bagong bilang ng nadagdag habang 140 ang active cases.
Nanatili naman sa 69 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19.
Ang kabuuang bilang sa ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 477.
Samantala, nasa 54 ang bilang ng probable habang nasa 713 naman ang bilang ng mga suspected sa lalawigan.
MOST READ
LATEST STORIES