Ika-limang quarantine facility sa Maynila, inilunsad na
Pinangunahan ni Manila City Mayor Isko Moreno ang paglulunsad ng ika-limang quarantine facility sa lungsod, araw ng Huwebes (May 28).
Ayon sa Manila Public Information Office, nakasama ni Moreno si Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan sa paglulunsad ng quarantine facility sa Arellano High School sa bahagi ng Sta. Cruz.
Kayang ma-accommodate ng naturang pasilidad na may 40 bed capacity ang ilang probable at suspected COVID-19 patients sa lungsod.
“I think by building more facilities like this, at least mabigyan man lang natin ng kapanatagan ng kalooban ang mga kababayan natin,” pahayag ng alkalde.
Target ng Maynila na magbukas ng 12 quarantine facilities sa Maynila para matugunan ang dumaraming bilang ng probable at suspected COVID-19 cases.
Nagpasalamat naman si Moreno sa lahat ng healthcare workers na patuloy na nagsasakripisyo para labanan ang pandemiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.