COVID-19 cases sa Maynila, umakyat na sa 1,329; 28 ang nadagdag

By Angellic Jordan May 28, 2020 - 10:53 PM

Karagdagang 28 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.

Ayon sa MHD/MEOC COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Huwebes ng hapon (May 28), umakyat na sa 1,329 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 837 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Tondo 1 na may 232 cases.

Sumunod dito ang Sampaloc na may 105 aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Samantala, 440 na ang itinuturing na probable cases sa lungsod habang 1,767 ang suspected cases.

Umabot naman sa 391 ang naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 101 ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.

TAGS: COVID-19 cases in Manila, COVID-19 deaths in Manila, COVID-19 Inquirer, COVID-19 recoveries in Manila, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, COVID-19 cases in Manila, COVID-19 deaths in Manila, COVID-19 Inquirer, COVID-19 recoveries in Manila, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.