BREAKING: NCR, isasailalim na sa GCQ simula sa June 1 – Pangulong Duterte
Isasailalim na ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) simula sa June 1.
Ianunsiyo ito mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang public address, Huwebes ng gabi (May 28).
Aniya, mananatiling nakasailalim sa GCQ ang Davao City, Regions 2, 3, 4-A (Calabarzon), Pangasinan at Albay.
“We are not happy to put you in this place but after review, may be we can,” pahayag ng pangulo.
Sinabi pa ng pangulo na ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay isasailalim na sa modified general community quarantine (MGCQ).
“The rest of the country will be placed under modified general community quarantine. That is very clear now,” ani Duterte.
“But from time to time, Secretary [Harry] Roque will give us the places where there will be changes,” dagdag nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.