Tagum City nakapagtala ng pinakamataas na temperatura noong May 27
Nakaranas ng maalinsangan at mainit na panahon ang 6 na lugar sa bansa kahapon Miyerkules, May 27.
Ayon sa PAGASA, naitala sa Tagum City ang pinakamataas na temperatura na umabot sa 38.2 degrees Celsius.
Narito naman ang iba pang lugar na nakapagtala ng mataas na temperatura:
Catbalogan City – 36.7 degrees Celsius
NAIA, Pasay City – 36.2 degrees Celsius
Ambulong, Tanauan City- 35.9 degrees Celsius
Zamboanga City – 35.8 degrees Celsius
Science Garden, QC – 35.8 degrees Celsius
Paalala ng weather bureau sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at bawasan ang physical activities sa tanghali at hapon para maiwasan ang heat stress.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.