Nakakaapekto ang dalawang weather system sa malaking bahagi ng bansa.
Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Ana Clauren na Southwesterly Windflow ang umiiral sa bahagi ng extreme Northern Luzon habang Easterlies naman sa Visayas, Mindanao at maging sa Palawan.
Nababalot aniya ng kaulapan ang ilang bahagi ng bansa kung kaya patuloy na makararanas ng pag-ulan na may kasamang kidlat at pagkulog.
Tatagal lamang aniya ito ng isa hanggang dalawang oras.
Patuloy din aniyang magiging mainit at maalinsangan ang panahon sa malaking bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila lalo na tuwing umaga hanggang tanghali.
Ani Clauren, posible pa ring magkaroon ng pag-ulan tuwing hapon hanggang gabi.
Wala namang binabantayang bagyo o anumang sama ng panahon sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).