157 pang Filipino sa abroad ang tinamaan ng COVID-19 – DFA

By Angellic Jordan May 28, 2020 - 04:26 PM

Mahigit 100 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang May 28, 157 overseas Filipinos ang tinamaan ng pandemiya.

Dahil dito, umakyat na sa 2,821 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 47 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 1,553 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Nadagdagan naman ng apat ang bilang ng gumaling kung kaya 934 na overseas Filipinos na ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, nanatili naman sa 334 ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19 matapos madagdagan ng apat pa.

Pinakamarami nang naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 899 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 806 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 633 naman ang kaso sa Americas at 483 sa Asia Pacific Region.

TAGS: breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 update, DFA COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, overseas Filipinos affected by COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 update, DFA COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, overseas Filipinos affected by COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.