Tumamang lindol sa La Union itinaas sa magnitude 5.2; Pagyanig, naramdaman sa Metro Manila at ilang karatig-bayan
(UPDATED) Itinaas sa magnitude 5.2 ang lindol sa tumama sa San Fernando, La Union Huwebes ng hapon.
Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 17 kilometers Northwest ng San Fernando (Capital) bandang 1:17 ng hapon.
57 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Bunsod nito, naitala ang mga sumusunod na intensities:
Intensity 4:
– San Fernando, Caba at Balaoan, La Union
– Labrador at Bolinao, Pangasinan
– Dagupan City
Intensity 3:
– Urdaneta City at Villasis, Pangasinan
– Baguio City
– Quezon City
– Marikina City
– Obando, Bulacan
Intensity 2:
– Cainta, Rizal
– San Fernando, Pampanga
– Valenzuela City
– Navotas City
– Pasay City
– Paranaque City
– City of Manila
– City of San Jose Del Monte, Bulacan
Instrumental Intensities:
Intensity 3:
– Dagupan City
Intensity 2:
– Vigan City
– Baguio City
– San Jose, Nueva Ecija
Intensity 1:
– Cabanatuan City
– Guagua, Pampanga
– Pasuquin, Ilocos Norte
– Palayan City
– Baguio City
– San Ildefonso, Bulacan
– Baler, Aurora
Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala ngunit asahan ang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.