Twitter account ng PLDT customer service, na-hack

Na-hack ang Twitter account ng PLDT customer service, araw ng Huwebes.

Pinalitan ng hacker ang pangalan ng account na “PLDT_Cares” at ginawang “PLDT Doesn’t Care.”

Nag-tweet pa ang hacker sa account para magparating ng mensahe sa kumpanya.

“As the pandemic arises, Filipinos need fast internet to communicate with their loved ones. Do your job. The corrupt fear us, the honest support us, the heroic join us. We are Anonymous. We are Legion. We do not forgive. We do not forget. Expect us,” tweet sa na-hack na account.

Mayroon pang hiwalay na tweet kung saan naka-tag ang Twitter account ng Globe.

Sa ngayon, hindi pa nare-recover ang Twitter account ng PLDT.

Read more...