Metro Manila at ilang lugar sa Luzon, patuloy na makararanas ng ulan

By Angellic Jordan May 28, 2020 - 01:37 PM

Asahang patuloy na makakaranas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon, ayon sa PAGASA.

Sa thunderstorm advisory bandang 12:55 ng tanghali, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Nueva Ecija, Pampanga, Cavite, Rizal at Bulacan.

Maaapektuhan din ang Santa Cruz, Candelaria, Olongapo at Subic sa Zambales; San Clemente at Camiling sa Tarlac; Morong, Dinalupihan at Hermosa sa Bataan; Tagkawayan sa Quezon.

Uulanin din ang Santa Maria, Famy, Siniloan, Pangil, Cabuyao at Santa Rosa sa Laguna; Tanauan sa Batangas.

Sinabi ng weather bureau na mararanasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, payo ng PAGASA, maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

TAGS: Bulacan, cavite, Inquirer News, Metro Manila, nueva ecija, Pagasa, Pampanga, Radyo Inquirer news, Rizal, thunderstorm advisory, weather update May 28, Bulacan, cavite, Inquirer News, Metro Manila, nueva ecija, Pagasa, Pampanga, Radyo Inquirer news, Rizal, thunderstorm advisory, weather update May 28

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.