Dumating na sa Los Angeles si Pangulong Benigno Aquino III matapos dumalo sa ASEAN-US summit sa Sunnylands estate sa Rancho Mirage, California.
Ngayong umaga, oras sa Pilipinas, at hapon naman sa LA, nakatakdang makipagpulong si Pangulong Auqino sa mga potential investors kabilang sina Walt Disney International chair Andy Bird at Vice President for Global Public Policy Jim Filippatos.
Inaasahang pag-uusapan sa pulong ang investment policies at ang creative sector, partikular ang game development ang animation, ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Cuisia, Jr.,
Matapos ang pulong sa Disney, makikipagpulong naman si PNoy sa Western Digital Corporation para talakayin ang posibleng expansion ng operasyon ng nasabing kumpanya dito sa Pipilinas.
Ang Western Digital Corporation ay nagbibigay ng data storage solutions services at mayroong nasa 10,000 empleyado sa bansa.
Sinabi ni Cusia na kabilang din sa pupulungin ni PNoy ang Aecom Enterprise Growth Solutions. Nais ng nasabing kumpanya na palawigin ang pagkuha nila ng mga Filipino engineers.
Kabilang sa mga schedule ni Pangulong Aquino sa LA bago umuwi sa Pilipinas ang pagsasalita sa Los Angeles World Affairs Council at pakikipagkita sa Fil-Am community.