Jeep pwede lang gamitin para sa deliveries sa ilalim ng GCQ
Hindi papayagan ang mga pampasaherong jeep na bumiyahe sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ).
Dahil dito sinabi ni Interior and LOcal Government Secretary Eduardo Año, na ang mga jeep ay pwedeng magamit na lamang muna sa deliveries.
Sa ilalim ng “new normal” sinabi ni Año magiging delivery vehicles muna ang mga jeep.
Ang mga pampasaherong bus ani Año ay papayagan naman sa GCQ areas pero 50 percent lamang ng capacity nito ang pwedeng isakay.
Inirekomenda na ng IATF na simula sa Lunes, June 1 ay maisailalim na sa GCQ ang Metro Manila
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.