March 21 kada taon ipinadedeklarang “National COVID-19 Health Frontliners’ Day”
Naghain ng panukalang batas sa Kamara para kilalanin ang kabayanihan ng mga medical workers sa bansa.
Sa kaniyang panukalang batas na House Bill 6774 nais ni Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez na ideklara ang March 21 kada taon bilang “National COVID-19 Health Frontliners’ Day”.
Maliban sa paglaban sa COVID-19 at pagtitiyak na makaliligtas ang maraming tinamaan nito, marami ring health workers sa bansa ang tinamaan ng sakit.
At marami sa kanila, pagkatapos maka-recover ay muling bumabalik sa serbisyo.
Sa ilalim ng panukalang batas, magtatakda ng taunang programa at aktibidad para sa selebrasyon ng National COVID-19 Health Frontliners’ Day.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.