Mahigit 2 milyong mag-aaral sa South Korea balik-eskwela na

Tinatayang 2.37 million na mga mag-aaral ang balik-eskwela na sa South Korea simula ngayong araw.

Pero hindi pa lahat ng eskwelahan sa South Korea ay nakapagbukas na.

Mayroon pang 561 na eskwelahan ang nanatiling sarado lalo na sa mga lugar na mataas pa ang banta ng community transmission ng COVID-19.

Sa unang araw ng pagbubukas ng klase, dalawang high school students ang nagpositibo sa COVID-19 tests.

Isa dito ay sa Seoul at isa sa Daegu.

Dahil dito, muling nagsara ang kanilang paaralan at mga kalapit pang eskwelahan.

Ayon sa health authorities, kontrolado na ang virus situation sa nasabing bansa.

 

Read more...