SUV ni Angel Locsin ‘for sale’ para makalikom ng pondo sa mass testing sa COVID-19

Kabilang ang SUV ni Angel Locsin sa mga ibinebenta ng aktres upang makalikom ng pondo para sa mass testing sa COVID-19.

Sa Instagram Account na Shop & Share, ibinebenta ng aktres ang kaniyang 2015 Dodge Durango.

Si Anne Curtis naman, ibinebenta ang kaniyang Chanel Cruise Boy North South Handbag 2019.

Sina Locsin at Curtis ang nag-umpisa ng Shop & Share project.

Layunin nitong hikayatin ang mga kapwa nila artista na magbenta ng gamit.

At ang malilikom na pera ay gagamitin para magastusan ang mass testing sa mga underprivileged.

 

 

Read more...