Boy Abunda, galit na galit din sa comment ni Pacquiao sa same-sex marriage
Hindi na rin nakapagtimpi ang sikat na TV host na si Boy Abunda sa naging pahayag ni pambansang kamao Manny Pacquiao na mas masahol pa sa hayop ang pakikipag-relasyon sa kaparehong kasarian o pagpasok sa same sex marriage.
Sa programang Tonight with Abunda, tahasang sinabi ng host na hindi siya titigil na ipaglaban ang karapatan ng mga miyembro ng third sex hanggang sa kamatayan.
Giit ni abunda, lumagpas na sa linya si Pacquiao at hindi siya papayag na matawag na mas masahol pa sa hayop.
“He crossed the line. Hindi ako papayag na matawag akong mas masahol pa sa hayop. That I am lowered than an animal. I’m not begging you for respect, I’m not begging you for my humanity. You don’t own my humanity, akin iyon, that is my birth right,” pahayag ni Abunda.
Kinuwestyun di n ni Abunda kung saan kumuha ng kapangyarihan si Pacquiao para husgahan ang mga miyembro ng third sex.
Inamin din ni Abunda na hindi niya iboboto si Pacquiao o ang isang taong hindi marunong magbigay galang sa kapwa.
“Sino ka para manghusga? Saan ka kumuha ng kapangyarihan para husgahan kami? Iboboto ko ba ang isang tao na ang tingin sa akin ay mas masahol pa sa hayop?” tanong ni Abunda.
Inihalimbawa pa ni Abunda sina Pope Francis, US President Barrack Obama at dating US Secretary of State Hilary Clinton na marunong rumespeto sa mga third sex.
Nilinaw naman ni Abunda na ang kanyang pahayag ay personal lamang at walang kinalaman ang istasyon na kanyang kinabibilangan maging ang kanyang programa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.