Tricycle pwede nang bumiyahe sa San Juan

Balik-biyahe na ang mga tricycle sa San Juan City simula ngayong araw, May 28.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, naglatag ng panuntunan ang pamahalaang lungsod para matiyak ang kaligtasan ng mga tricycle driver at kanilang pasahero.

Kabilang dito ang pagsusuot ng health clearance at travel pass ng mga driver sa lahat ng oras.

Dapat ding may harang na plastik o anumang materyal na hindi papasukin ng droplets o tubig ang pagitan ng motorsiklo at sidecar.

Dapat ding naka face mask lagi ang driver at pasahero.

Isang pasahero lamang ang pwedeng sumakay sa tricycle.

Bawal ang pagsakay sa likuran ng driver.

Ang pamasahe ay P15 sa bawat solo trip.

 

 

 

 

Read more...