Panukalang batas na nagpapalawig sa Bayanihan to Heal as One Act inihain sa Senado
Naghain si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ng panukalang batas na magpapalawig sa validity ng Bayanihan to Heal as One Act hanggang September 30, 2020.
Sa ilalim ng naturang batas ay binibigyan ng dagdag na kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte para matugunan ang problema sa pandemic ng COVID-19.
Nakatakdang mag-expire sa June ang naturang batas.
Sa panukala ni Zubiri, nakasaad na kapag pinalawig ang batas mabibigyang pagkakataon ang pangulo na i-exercise ang realignment ng items sa national budget at iba pa niyang kapangyarihan sa ilalim ng batas.
Ang Bayanihan law ay inaprubahan ng Kongreso noong March 23 at nilagdaan ni Pangulong Duterte noong March 25.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.