Pinoy seafarer natagpuang walang buhay sa isang cruise ship sa US

Kinumpirma ng US Coast Guard na isang Pinoy na crew member ng isang cruise ship ang nagpakamatay habang nasa barko.

Ayon sa ulat ng Agence France Press base sa statement ng US Coast Guard, ang Pinoy ay isang 32 anyos na crew ng MV Scarlet Lady.

Ang naturang barko ay pag-aari ng Virgin Voyages.

“Apparent self-harm” ang binanggit ng Coast Guard na dahilan ng pagkasawi ng Pinoy.

Bago pa lang ang barko at itinakda ang maiden voyage noong Marso pero nakansela dahil sa pandemic ng COVID-19.

Simula noong Marso ay nasa karagatan lang ng Florida ang barko at ang mga crew nito ay hindi nakakababa.

Ang pagpapakamatay ng naturang Pinoy seaman ay unang iniulat sa blog na Cruise Law News.

Wala naman nang ibinigay na iba pang detalye ang kumpanya ng cruise ship at ang US Coast Guard hinggil sa insidente.

 

 

Read more...