Manny Pacquiao nawalan ng halos 2M followers sa twitter

By Chona Yu, Dona Dominguez-Cargullo February 17, 2016 - 06:24 AM

MP twitter grab Fev 17Halos dalawang milyon ang nawala sa twitter followers ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao.

Ito ay matapos ulanin ng batikos ang kaniyang kontrobersyal na pahayag hinggil sa same-sex marriage kung saan sinabi nitong mas masahol pa sa hayop ang taong papasok sa relasyong babae sa babae at lalaki sa lalaki.

Mula sa 1,890,000 na followers sa twitter noong 2015, ngayon ay nasa mahigit 8,000 na lamang ang kaniyang twitter followers.

Ang huling post sa twitter ni Pacquiao ay ang video ng kaniyang paghingi ng paumanhin kagabi sa mga nasaktakan sa kaniyang binitiwang pahayag.

Nananatili namang nasa 2.9 million ang followers ni Pacquiao sa kaniyang Instagram account at mahigit 10 million na likers sa kaniyang FB page.

Sa record ng Forbes, umabot sa 1,890,000 ang followers ni Pacquiao sa twitter bago ang laban niya kay Floyd Mayweather Jr.

TAGS: Manny Pacquiao lost millions of followers, Manny Pacquiao lost millions of followers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]