Paglulunsad sa SpaceX Rocket hindi natuloy dahil sa masamang panahon

By Dona Dominguez-Cargullo May 28, 2020 - 06:10 AM

Hindi natuloy ang launching ng SpaceX Rocket ng Elon Musk sa Florida dahil sa hindi magandang panahon,

Lulan na ng rocket dalawang Americans at ang nasabing misyon sana ang magiging kauna-unahang spaceflight ng NASA astronauts na mula sa US sa nakalipas na siyam na taon.

Nagsasagawa na ng countdown pero 17 minuto bago ang launching ng SpaceX Falcon 9 rocket ay inihinto ito.

Dumating din si US President Donald Trump sa Florida lulan ng Air Force One para saksihan ang launching.

Ayon sa NASA itinakda na lamang muli sa Sabado ng tanghali ang launching ng SpaceX lulan sina Doug Hurley at Bob Behnken.

Nakararanas ng pag-ulan sa Florida at nagpalabas pa ng tornado warning ang National Weather Service.

 

 

 

TAGS: Elon Mush, Inquirer News, NASA, News in the Philippines, Radyo Inquirer, rocket, SpaceX, SpaceX Flacon 9, Tagalog breaking news, tagalog news website, Elon Mush, Inquirer News, NASA, News in the Philippines, Radyo Inquirer, rocket, SpaceX, SpaceX Flacon 9, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.