Ayon kay Baybay City Mayor Jose Carlos Cari ang unang pasyente ng COVID-19 sa kanilang lugar ay bahagi ng unang batch ng mga umuwi sa ilalim ng “Balik Probinsya program”.
Lahat aniya ng umuwi ay isinailalim sa quarantine at rapid test.
Ang mga nagpositibo sa rapid test ay isinailalim sa PCR test at isa nga dito ang nakumpirmang positibo sa sakit.
Wala pang direktang contact sa kaniyang pamilya ang pasyente.
Noong Biyernes, 11 katao ang umuwi sa Baybay City sa ilalim ng Balik Probinsya program habang noong Sabado ay 12 OFWs naman ang dumating sa lungsod.
MOST READ
LATEST STORIES