Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 263

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (10PM, Miyerkules, May 27) , nasa 263 na ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kung saan 17 ang bagong bilang ng nadagdag habang 143 ang active cases.

Nanatili sa 69 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang sa ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 475.

Samantala, nasa 50 ang bilang ng probable habang nasa 713 naman ang bilang ng mga suspected sa lalawigan.

 

 

Read more...