Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 338 kilometers southeast ng Sarangani, ala-1:12 madaling araw ng Huwebes (May 28).

May lalim na 29 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

Read more...