Pumalo na sa 662 ang bilang ng nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:00, Miyerkules ng hapon (May 27), 11 ang bagong napaulat na kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod.
Sa 662, 363 ang aktibong kaso.
414 ang itinuturing na probable cases habang 1,435 ang suspected cases kung saan 1,739 ang cleared na.
Nadagdagan naman ng siyam ang bilang ng mga gumaling.
Dahil dito, 245 na ang total recoveries ng COVID-19 sa nasabing lungsod.
Nanatili naman sa 54 residente sa Mandaluyong ang pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.