Binay, nilinaw na walang hinihinging pera ang Makati LGU para makuha ang ayuda sa MAKA-Tulong 5K Program
Nilinaw ni Mayor Abby Binay na walang hinihingi ang Makati City government at GCash na anumang halaga ng pera para makuha ang tulong-pinansiyal sa ilalim ng MAKA-Tulong 5K Program.
Base sa ibinahaging larawan ng alkalde, makikitang nagpadala ng mensahe ang isang “Makatizen” Facebook account sa isang residente na kailangan umanong maglagay ng pera na hindi bababa sa P1,000 sa account para mabigay ang P5,000 ayuda.
Ani Binay, nai-report na ito sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP).
Iniimbestigahan na aniya ng mga otoridad kung sino ang responsable sa naturang ilegal na gawain.
Nagpaalala rin si Binay sa mga taga-Makati na mag-ingat sa mga manloloko.
Maaari aniyang sundan ang official MyMakati Facebook page para maging updated sa mga importanteng impormasyon ukol sa naturang programa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.