Bilang ng pulis na tinamaan ng COVID-19, 298 na

Nadagdagan pa ng 17 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa monitoring report hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (May 27), sinabi ng PNP Health Service na umabot na sa 298 confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Nasa 730 na pulis ang itinuturing na probable case habang nanatili sa 588 ang suspected cases.

Sinabi pa ng PNP na umakyat sa 147 na ang total recoveries sa hanay ng pambansang pulisya sa naturang sakit.

Nananatili pa rin sa apat ang pumanaw bunsod ng nakakahawang sakit.

Read more...