Contingency plan sa seguridad sa halalan, pinaplantsa na ng AFP at PNP

By Ruel Perez February 17, 2016 - 04:39 AM

 

pnpPinaplantsa na ng mga ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa eleksyon ang contingency planning para matiyak ang ligtas at patas na eleksyon sa Mayo.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Director Gen. Ricardo Marquez, isinasapinal na nila ng Armed Forces of the Philippines (AFP), at iba pang ahensya ang ilalatag na seguridad sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa ngayon anya meron nang JSCC o Joint Security Coordinating Center na naka-posisyon sa bawat lugar na siyang nakikipag ugnayan sa mga political parties o mga kandidato para bigyang seguridad ang mga lugar na pangangampanyahan ng mga ito.

Katunayan ayon kay Marquez, nakita niya mismo na maayos ang mga nakalatag na seguridad at ang mga paghahanda na ginagawa ng mga pulis nang bisitahin niya ang iba’t ibang probinsya nitong nakalipas na linggo.

Una nang inikutan ni Marquez ang mga probinsya sa CALABARZON, Pangasinan, Tawi-tawi at isusunod ang Masbate at Negros Oriental.

Samantala, tiniyak rin ng PNP na nakahanda silang magsilbing board of election inspectors (BEI) sa Mayo kung kakailanganin.

Ayon kay PNP spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, hindi na ito bago sa kanila dahil noong 2010 at 2013 elections, ay naging BEI na rin ang ilang mga pulis sa Mindanao.

Paliwanag ni Mayor, tinatapik sila ng Commission on Elections (COMELEC) para magslibing BEI kung ang mga guro sa ilang lugar ay nangangamba sa kanilang seguridad.

Gayunman, sinabi ni Mayor na sa ngayon ay wala pang abiso ang COMELEC patungkol sa bagay na ito.

Handa naman aniya ang mga pulis na sumailalim sa training para maging BEI.

Ang magiging problema lang ani Mayor, magiging doble ang kanilang trabaho sa araw ng halalan, bilang tagapangasiwa ng botohan sa mga presinto at bilang tagapagbigay ng seguridad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.