Ipinaglaban ni Solicitor General Florin Hilbay ang mga karapatan ng mga foundlings sa Korte Suprema.
Iginiit ni Hilbay na isang natural-born Filipino citizen si Sen. Grace Poe, at na siya ay kwalipikadong tumakbo para sa isang posisyon sa pamahalaan, tulad na lang ng pagka-pangulo.
Naninindigan rin si Hilbay sa pagtatanggol sa desisyon ng Senate Electoral Tribunal (SET) hinggil sa pagka-kumpleto ni Poe ng 10-year residency para maging kwalipikado sa pag-takbo bilang pangulo.
Sinuportahan ni Hilbay ang posisyon ni Poe kaugnay sa pag-reestablish niya ng domicile dito sa Pilipinas noong 2005, na nangangahulugang napunan niya ang 10-year residency requirement.
Ito ang inilaban ni Hilbay sa kaniyang pagkakataong ipagtanggol ang SET kontra sa desisyon ng Commission on Elections (COMELEC) na i-diskwalipika ang kandidatura ni Poe.
Aniya, sa ilalim ng lahat ng naging Saligang Batas ng Pilipinas, mula sa 1935, 1973 at 1987, ang foundlings ay itinuturing na natural-born citizens.
Partikular niyang tinukoy ang 1935 Constitution na umiiral nang ipinanganak si Poe noong 1968, na sinasabi niyang kumo-konsidera sa mga foundlings bilang natural-born Filipinos kahit na walang explicit provision.
Hindi na rin aniya kailangan pang ipaliwanag ng mga bumalangkas ng 1935 Constitution ang deklarasyon bilang Pilipino ng mga foundlings.
Paliwanag pa ni Hilbay, malinaw at buo na itong ipinaliwanag ng 1935 Constitution “in terms of linguistic efficiency and the avoidance of redundancy,” na kilalanin ang mga foundlings bilang mga Pilipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.