Ilang lalawigan sa Central at Southern Luzon patuloy na makararanas ng pag-ulan ayon sa PAGASA

Makararanas ng pag-ulan dulot ng thunderstorm ang ilang mga lalawigan sa Central Luzon at Southern Luzon.

Sa thunderstorm advisory number 4 ng PAGASA alas 11:34 ng umaga, katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Nueva Ecija, Pampanga, Cavite at Batangas sa susunod na mga oras.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa bayan ng Bamban at Capas sa Tarlac; Candelaria at Botolan sa Zambales; Morong, Bataan; Dona Remedios Trinidad sa Bulacan at sa General Nakar, Quezon.

Pinapayuhan ang lahat na maging maingat sa posibleng pagbaha lalo na sa mga naninirahan sa mabababang lugar.

Ang malakas na buhos ng ulan ay maari ding magdulot ng pagguho ng lupa sa mga bulubunduking lugar.

 

 

Read more...