LOOK: ‘Bawal Lumabas’ shirts for a cause ni Kim Chiu

Available na online ang T-shirts na “Bawal Lumabas” na inspired sa bagong single ng aktres na si Kim Chiu.

Ayon sa aktres ang kikitaain sa mga mabebentang “Bawal Lumabas” shirts ay ipambibili ng food packages para sa mga pamilyang apektado ng pag-iral ng community quarantine.

Mayroog tatlong disenyo ang T-shirts at mabibili sa halagang P295.

Sa ngayon ayon kay Chiu ay limitado lamang ang stocks dahil hindi sila nagpa-produce ng marami.

Pero kung magigina successful ang proyekto sinabi ni Chiu na magbebenta sila ng mas marami pa at ang kikitain ay ido-donate din sa proyekto nina Angel Locsin at Anne Curtis na “Shop and Share” project.

 

 

 

 

Read more...