Mga lalawigan sa Central Luzon uulanin sa susunod na mga oras ayon sa PAGASA
Makararanas ng pag-ulan dulot ng thunderstorm ang mga lalawigan sa Central Luzon.
Sa thunderstorm advisory number 3 ng PAGASA alas 10:50 ng umaga, katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Nueva Ecija, Bataan, Pampanga, at Bulacan sa susunod na mga oras.
Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa bayan ng General Nakar sa Quezon; Bamban at Capas sa Tarlac; at Botolan sa Zambales.
Pinapayuhan ang lahat na maging maingat sa posibleng pagbaha lalo na sa mga naninirahan sa mabababang lugar.
Ang malakas na buhos ng ulan ay maari ding magdulot ng pagguho ng lupa sa mga bulubunduking lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.