7,217 na OFWs napauwi na sa mga lalawigan – DOTr

Sa loob ng dalawang nagdaang araw umabot sa mahigit 7,000 Overseas Filipino Workers ang naserbisyuhan sa ilalim ng ‘Hatid Probinsya para sa mga OFWs’ Program.

Ayon sa datos ng Department of Transportation (DOTr), noong May 25 at 26 umabot na sa 7,217 ang napauwing OFWs sa kanilang mga lalawigan.

Sa nasabing bilang, 1,677 ang naihatid by land at 5,540 naman ang bumiyahe sa pamamagitan ng eroplano.

Ngayong araw at sa mga susunod pang araw ay magpapatuloy ang pagpapauwi sa mga OFW na nakatapos na ng quarantine at nag-negatibo sa COVID-19.

Ang “Hatid Probinsya para sa mga OFWs” ay pinangungunahan ng DOTr, DOLE, OWWA, CAAP, PCG, DILG, PPA, OTS, MIAA, LTO at LTFRB.

 

 

Read more...