United front laban sa China, isinusulong ni Obama sa US-ASEAN summit
Nais iparating ng Estados Unidos at mga bansang kasapi ng Asssociation of Southeast Asian Nations o ASEAN na nagkakaisa ang mga ito sa pagkontra sa mga hakbang ng China na palawakin pa ang kanilang nasasakupan sa rehiyon.
Sa unang araw ng Special US-ASEAN summit na ginaganap sa California, sinabi ni deputy national security adviser Ben Rhodes na suporta ng Amerika ang paggiit sa ‘rules-based order’ sa Asia-Pacific region kung saan ang mga isyu ay dapat nireresolba sa mapayapang paraan.
Una na ring inihayag ni US President Barack Obama na layunin ng summit na pag-isahin ang adhikain ng mga bansang kasapi ng ASEAN sa lutas sa mga isyu sa diplomatikong paraan at ang pananatili ng freedom of navigation sa Asya-Pasipiko.
Ngayong araw sa pagpapatuloy ng summit, tatalakayin naman ang inaasahang ruling ng United Nations sa ginagawang reclamation ng China sa mga bahura sa South China Sea.
Nais ng labingisang bansa na dumadalo sa pagpupulong na magkaroon ng iisang tinig sa magiging desisyon ng UN court upang igiit sa China na irespeto at kilalanin nito ang magiging desisyon ng Artbitral Tribunal.
Inaasahan ang desisyon ng UN Artbitral Tribunal sakaling ilabas na ito sa Abril o Mayo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.