Helpline inilunsad ng PNP para sa mga may tanong tungkol sa MECQ at GCQ
Naglunsad ng Helpline ang Philippine National Police (PNP) para mabilis na matugunan ang mga tanong tungkol sa pag-iral ng enhanced community quarantine (MECQ) at general community quarantine (GCQ).
Ayon kay PNP chief Gen. Archie Gamboa, ang mga may katanungan ay maaring tumawag sa PNP Helpline na 16677.
Layon aniya nitong mabilis na matugunan ang concern ng publiko.
Ani Gamboa, katuwang ng PNP ang Philippine Long-Distance Telephone (PLDT) sa paglulungsad ng PNP Helpline 16677 na pangangasiwaan ng PNP Directorate for Operations – PNP Command Center (DO-PCC).
Nakatanggap din ang PNP ng 52 units ng mobile phones, 30 units ng pocket Wi-Fi, 100 piraso ng prepaid cards, at Enterprise SMS Messaging Suite mula sa PLDT.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.