Bahagi ng Quezon uulanin sa susunod na mga oras ayon sa PAGASA

Makararanas ng pag-ulan dulot ng thunderstorm ang ilang bahagi ng Quezon.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 9:35 ng umaga, katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Panulukan at Polilio sa lalawigan ng Quezon sa susunod na mga oras.

Pinapayuhan ang lahat na maging maingat sa posibleng pagbaha lalo na sa mga naninirahan sa mabababang lugar.

Ang malakas na buhos ng ulan ay maari ding magdulot ng pagguho ng lupa sa mga bulubunduking lugar.

 

 

Read more...