Dating PDEA Chief Aaron Aquino itinalaga ni Pangulong Duterte sa Clark International Airport Corporation
(UPDATE) Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating PDEA director general Aaron Aquino sa Clark International Airport Corporation.
Kinumpirma ito ni Executive Sec. Salvador Medialdea matapos alisin sa pwesto si Aquino sa PDEA.
Sa pahayag sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque itinalaga si Aquino bilang miyembro ng Board of Directors ng Clark International Airport Corporation.
Nagpasalamat ang Malakanyang kay Aquino sa kaniyang hindi matatawarang kontribusyon sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal drugs.
Pumalit kay Aquino sa PDEA si Wilkins Villanueva.
Kumpiyansa naman ang palasyo na pamumunuan ni Villanueva ng may professionalism, passion at integrity ang PDEA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.