Ayon sa grupo ng mga researcher mula sa UP, mayroon pang 7,000 kaso ng COVID-19 na hindi pa naiuulat ng Department of Health (DOH).
Sinabi ni UP Diliman Political Science Department Assistant Professor Ranjit Rye, na inirekomenda nilang ipagpatuloy ang pag-iral ng MECQ sa NCR.
Mayroon aniyang lag o delay sa pag-uulat ng COVID-19 infections ang DOH at mayroong 7,000 kaso na hindi pa naiuulat.
Sinabi ni Rye na base sa pag-aaral ng kanilang team mayroong 7,119 na indibidwal pa sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nag-positibo sa COVID-19.
Base ito sa report ng 36 na testing centers sa bansa subalit hindi pa naisasama sa opisyal na bilang ng DOH.
Malaking dagdag din sa kaso kada lingo ang nakikita sa ilang lungsod sa NCR gaya ng Makati, Las Piñas at Pasay.
Maliban dito, nakikitaan din ng UP research team ng pagtaas ng kaso ang Maynila, Taguig, Muntinlupa, Caloocan at Pateros.