Ilegal na clinic sa Makati na nanggagamot ng COVID-19 patients sinalakay; 2 Chinese nationals ang arestado

By Dona Dominguez-Cargullo May 27, 2020 - 08:53 AM

Sinalakay ng mga tauhan ng Makati City police ang isang medical clinic at pharmacy na ilegal na nag-ooperate at nanggagamot ng mga hinihinalang COVID patients.

Ang Goldstar Medical Clinic and Pharmacy Corp. ay nasa New Lasema Spa Building sa Sampaloc Street.

Sa ginawang operasyon ng Station Investigation and Detective Management ng Makati Police, nadakip sa operasyon ang dalawang Chinese nationals na sina David Lai isang doctor, 49 anyos at si Liao Bruce, 41 anyos.

Batay sa imbestigasyon, nakatanggap ng report ang mga otoridad na isang Chinese doctor ang nanggagamot sa mga suspected COVID-19 patients sa nasabing clinic.

Nakumpiska sa klinika ang Rapid Test kits para sa COVID-19 at iba pang medical paraphernalia gaya ng swab sticks, vials at syringes.

May nakuha ring kahon-kahong Chinese medicine na hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA).

 

TAGS: Clinic, covid clinic, Goldstar Medical Clinic and Pharmacy Corp., Inquirer News, Makati, News in the Philippines, Radyo Inquirer, SPD, Tagalog breaking news, tagalog news website, Clinic, covid clinic, Goldstar Medical Clinic and Pharmacy Corp., Inquirer News, Makati, News in the Philippines, Radyo Inquirer, SPD, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.