Isang linggong palugit ni Pangulong Duterte para mapauwi ang 24,000 na OFWs kakayanin ayon sa DOLE
Kayang maabot ang isang linggong deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagpapauwi sa mga nasa 24,000 na Overseas Filipino Workers (OFWs) sa kani-kanilang mga lalawigan.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III na mahigit 9,000 OFWs na ang nakauwi ng mga lalawigan.
Ibig sabihin nasa 15,000 pa ang kailangang mapauwi sa susunod na mga araw.
Ngayong araw, (May 27) target ng gobyerno na makapagpauwi ng mahigit 7,000 pa.
Kumpiyansa naman si Bello na kakayaning makamit ang isang linggong deadline na ibinigay ng pangulo.
Samantala, 44,000 pang OFWs ang nakatakdang dumating sa bansa ayon kay Bello hanggang June 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.