Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nabawasan sa magdamag

Muling nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 190.49 meters alas-6:00 umaga ng Miyerkules (May 27) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 190.60 meters.

Nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.58 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 100.57 habang nanatili ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 76.28 meters.

Samantala, nabawasan naman ang water level ng San Roque at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ambuklao, Binga,Pantabangan at Magat dams.

 

 

Read more...