Aaron Aquino ililipat sa ibang pwesto sa gobyerno

By Dona Dominguez-Cargullo May 27, 2020 - 07:08 AM

Kinumpirma ng tagapagsalita ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA) na sinibak sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Aaron Aquino bilang PDEA director general.

Ayon sa tagapagsalita ng PDEA na si Derrick Carreon, hindi kusa na nagbitiw sa pwesto si Aquino.

Inalis aniya sa pwesto si Aquino dahil ililipat siya sa iba pang pwesto sa pamahalaan.

Nakatakda aniyang mag-assume sa bagong pwesto sa gobyerno si Aquino pero hindi naman binanggit ni Carreon kung saang ahensya at anong posisyon.

Si PDEA Region 10 Director Wilkins Villanueva ang itinalaga ni Pangulong Duterte bilang bagong director general ng PDEA kapalit ni Aquino.

Bago maging direktor sa PDEA Region 10 ay naging PDEA NCR Director din si Villanueva.

 

 

TAGS: aaron aquino, director general, Inquirer News, News in the Philippines, PDEA, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, aaron aquino, director general, Inquirer News, News in the Philippines, PDEA, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.