Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año, ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group ang nagsampa ng reklamong graft base sa direktiba ng DILG.
“Hindi ninyo matatakasan ang mga panlolokong ginawa ninyo sa pamimigay ng ayuda. Sinira ninyo ang tiwala ng gobyerno at ng inyong mga kabarangay kaya sa kalaunan, sa kulungan ang bagsak ninyo,” ani Año.
Kabilang sa nasampahan ng reklamo ang kapitan at dalawang kagawad ng barangay sa Boac, Marinduque na naningil ng P50 na processing fee sa bawat SAP beneficiary.
Isang kapitan naman sa Sta. Maria, Ilocos Sur ang kinaltasan ng P2,000 ang natanggap na pera ng 132 na SAP recipients.
Ayon kay Año sa mga susunod na araw, mayroon pang siyam na reklamo na ihahain ang PNP-CIDG sa DOJ, habang patuloy ang case build-up laban sa iba pang mga opisyal.