Barangay officials na nasampahan ng reklamo dahil sa anomalya sa SAP distribution, 134 na ayon sa DILG

By Dona Dominguez-Cargullo May 27, 2020 - 05:48 AM

Mayroon nang 134 na mga opisyal ng barangay na nasampahan ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) dahil sa anomalya sa pamamahagi ng cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año, ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group ang nagsampa ng reklamong graft base sa direktiba ng DILG.

“Hindi ninyo matatakasan ang mga panlolokong ginawa ninyo sa pamimigay ng ayuda. Sinira ninyo ang tiwala ng gobyerno at ng inyong mga kabarangay kaya sa kalaunan, sa kulungan ang bagsak ninyo,” ani Año.

Kabilang sa nasampahan ng reklamo ang kapitan at dalawang kagawad ng barangay sa Boac, Marinduque na naningil ng P50 na processing fee sa bawat SAP beneficiary.

Isang kapitan naman sa Sta. Maria, Ilocos Sur ang kinaltasan ng P2,000 ang natanggap na pera ng 132 na SAP recipients.

Ayon kay Año sa mga susunod na araw, mayroon pang siyam na reklamo na ihahain ang PNP-CIDG sa DOJ, habang patuloy ang case build-up laban sa iba pang mga opisyal.

 

 

 

TAGS: complaint, criminal complaint, DILG, DOJ, graft, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, sap, Tagalog breaking news, tagalog news website, complaint, criminal complaint, DILG, DOJ, graft, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, sap, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.