Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 246

By Mary Rose Cabrales May 27, 2020 - 05:25 AM

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (10PM, Martes, May 26) , nasa 246 na ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kung saan 4 ang bagong bilang ng nadagdag habang 152 ang active cases.

Nadagdagan naman ng 1 kaya umabot na sa 69 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang sa ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 467.

Samantala, nasa 49 ang bilang ng probable habang nasa 704 naman ang bilang ng mga suspected sa lalawigan.

 

 

 

TAGS: covid cases, covid patients, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, recoveries, Rizal, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid cases, covid patients, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, recoveries, Rizal, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.