Pangulong Duterte, itinalaga si Wilkins Villanueva bilang bagong PDEA Director General

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Wilkinss Villanueva bilang bagong Director General ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Base sa inilabas na appointment paper, napirmahan ng pangulo ang dokumento noong Biyernes, May 22.

Papalitan ni Villanueva sa nasabing posisyon si Aaron Aquino.

Bago maitalaga sa bagong posisyon, si Villanueva ay nagsilbi rin bilang regional director ng PDEA-10 at hepe ng PDEA-NCR.

Read more...